Sunday, October 19, 2008

Ang Lighter

Minsan pauwi na ko galing sa opisina.
Sumakay ako ng bus papuntang Leveriza.
Red ang traffic light kaya tigil panandali ang bus na sinasakyan ko.
Napatingin ako sa labas ng kalsada.
May nakita ako, taong grasa ang tawag sa kanya.
May hawak siyang papel at may hawak din siyang lighter.
Nakita ko pilit niyang sinisindahan ang hawak niyang papel, kiskis siya ng kiskis dun sa lighter.
Pero wala na yatang butane, ayaw na umapoy.
Nainis na siguro siya, ang tagal na eh, ayaw pa ring sumindi.
Kaya ang ginawa niya – tinapon niya ang hawak niyang papel na ayaw magliyab
at kumuha ng panibagong papel sabay kiskis ulit sa lighter.

1 comment:

  1. hahaha! akala nya siguro dahil sa papel kaya ayaw sumindi. Akala ko yung lighter ang itatapon eh.

    ReplyDelete