Saturday, June 26, 2010

Back home

Tangahali na nang magising ako. Nagpuyat kasi kagabi. Ganito kami dito, kapag kinabukasan mga wala kaming pasok, sinasamantala ang gabi. Kwentuhan, kalokohan, kulitan.

Inaantay kong tumunog ang "alarm" ng telepono ko. Nakita ko kasi sa relo sa pader na 5:40 pa lang ng umaga kaya natulog ulit ako. Pag gising ko, tumingin ako sa relo. 5:40 pa rin ng umaga! Sira pala ang baterya. Ang telepono ko naman wala na ring baterya kaya di na gumana ang alarm.

Pag tingin ko sa isa pang relo, 11:43 ng umaga na pala. Dali dali akong tumawag sa asawa ko. Malapit na palang umalis ang anak ko bahay. 5:45 ng hapon ang flight nila.

Video call naman, ang unang tanong sakin ng anak ko, "Bakit ka malungkot, Mommy?" Di ko alam na nakita nya pala ang nararamdaman ko. Sabi ko, "Wala lang." Pero medyo nagmana sa kin ang anak ko. Di siya pumayag na iyon lang ang sagot ko. Tinanong ulit nya, "Bakit ka nga malungkot,Mommy?". Di ko na napigilan. "Na mimiss ko na kasi kayo." Iyon na lang ang sinabi ko.

Ngayon na ang araw na aalis ang anak kong lalaki papunta sa Aklan. Nalulungkot ako kasi sa loob ng halos 3 linggo, di nya makakasama ang Daddy at Baby Andie Girl nya...

Tumawag ulit ako nung nasa Airport na sila. Kinausap ko ang anak ko. Tinanong ko sya kung ready na siya pumunta sa Aklan. Ang sabi nya, " Ready na ko Mommy, pero malungkot din ako." Tinanong ko siya kung bakit sya malungkot. Sabi niya, "Wala lang malungkot lang ako." Di rin ako pumayag na yun lang ang sagot nya. "Bakit ka nga malungkot?", ang tanong ko. " Kasi ma mi-miss ko rin sila Daddy.", at bigla na nyang pinasa ang telepono sa Daddy nya.

Di bale na, mahirap talaga pag humaharap tayo sa mga pagbabago. Pero naniniwala ako na ang desisyon namin na doon na lang muna sila sa Aklan ay mabuti. Alam ko para din sa ikabubuti nila yun.

Nawa ay patnubayan ng Diyos ang pamilya ko, kahit saan man sila pumaroon.

Saturday, June 19, 2010

A New Beginning

" Anywhere in the Philippines, as long as the three of you are together." That is what I told my husband after so many days of deliberation. We have decided that it would be best if they will go back to Aklan.

My sister in law is now busy helping us to look for a school where we can transfer my son, Seandy. The list goes on and we are yet to decide which one we will take.

Well my husband said it will be finalized this week. My son will go first, together with my mom in law.

My husband and my baby girl will follow.

We are actually excited about this. It's less crowded there, less polluted. And the people are also great, we also have a church there (Bread of Life). And, eventually my husband can study too.

I have always loved living in the province. Plus, they can learn the dialect! One thing, I wish I could have learned(well, i know just a little).

Welcome home my kids. Kalibo, Aklan is such a great place. :)