Tuesday, January 1, 2013

Aming Diyos


Aming Diyos
Lahing Kayumanggi tayo’y namumukod tangin
Lumikha ay Maykapal
Mahalaga at my dangal
Ngunit sa mundong ito tayoy litong-lito
At ang lahi mo’y nilimot
Sunod sunuran puno ng takot

Nagdaan ang panahon
Ibang bansa’y nagtatanong
Sigla ng yong nakaraan muli kayang makakamtan
Natutung magpakumbaba
Hinanap ang iyong mukha
At kami’y Iyong pinakinggan
Pag-asa ay nasilayan

Dumating ang panahon
Binigyan ng pagkakataon
Aming buhay aming lahi’y ibangon
Saming pagluhod Ikaw ang tugon

Pagsamba at papuri
Ika’y tapat at napakabuti
Saming buhay at aming lahi Ika’y nanatili
Pagsamba at papuri Ika’y tapa’t at napakabuti
Saming buhay at aming lahi Ika’y nanatili..
Aming Diyos..

Dumating ang panahon
Binigyan ng pagkakataon
Aming buhay aming lahi’y ibangon
Saming pagluhod Ikaw ang tugon

Pagsamba at papuri
Ika’y tapat at napakabuti
Saming buhay at aming lahi Ika’y nanatili
Pagsamba at papuri Ika’y tapa’t at napakabuti
Saming buhay at aming lahi Ika’y nanatili..
Aming Diyos..