Madalas mas gusto ko na lang na wag na lang makinig ng balita sa telebisyon. Nakakalungkot lang kasi na makita at marinig ang mga patuloy na nangyayayari sa bansa natin.
Tatlong linggo matapos dumaan ang bagyong Ondoy sa bansa, at ilang araw pa pagkaalis ng Bagyong Pepeng, madami pa rin tayong mga kababayan ang hindi pa nakakabangon hanggang ngayon.
Marami pa ring mga lugar ang lubog pa rin sa baha hanggang sa kasalukuyan. Minsan nanood ako ng balita, may isang ina na natrauma sa nagdaang pagbaha dala ng bagyong Ondoy. Nang mabalitaan nyang darating na naman ang isa pang bagyo (Pepeng), bigla na lang bumigay ang pag-iisip nya.
Sa kabila ng mga nangyayari sa ating bansa, di ito ang panahon para panghinaan tayo ng loob. Ito pa nga ang panahon upang lalo pa tayong magbuklod buklod at magkaisa.
Sana lang, natuto na rin ang ating Gobyerno sa mga nangyari. Sana maisip ng mga namamahala sa ating bansa na mas itigil na ang pagiging makasarili, ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.
Sana maisip na ng mga opisyal ng Godyerno natin na maghanda para sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment