Mayo 2010, eleksiyon na naman. Ang daming pumapasok sa isip ko. Sinu sino kaya ang siguradong tatakbo. Sinu sino kaya ang mananalo.
Dati akong registrado sa Makati, pero nung lumipat kami sa Cavite kinailangan kong magparegistro dito. Pati na rin ang iba kong kapatid.
Naaalala ko, nagkwento sakin ang kapatid na dating botante sa Bicol. Marami daw pera ang mga tao dun tuwing eleksiyon. Naikwento pa niya yung huling pagkakataon na bumoto siya dun. Natutulog lang siya at paggising nya para bomoto binigyan na lang siya ng pera at ng papel kung sino ang iboboto nya. Magkabilang partido daw ang nagpamahagi ng pera para "tulungan" silang magpasya kung sino ang iboboto nila. Mas madali nga naman sigurong magpasya kung sino ang iboboto mo kung makikita mong may perang kalakip ang bawat pangalan na maaari mong isulat sa balota. Tama ba?!?
Pero naiisip niya di naman siya nagpapabayad. Di naman niya binebenta ang boto niya. Pero parang natatakot na rin siya dahil sa simpleng bayad na binigay sa kanya na hindi naman niya hiningi o hinangad naramdaman niyang nawalan na siya agad ng karapatan para pumili ng tamang kandidato. Tinanggalan na siya agad ng karapatan bomoto.
Alam ko ganito din ang nararamdaman ng karamihan. Marami nga naman talaga ang bumili ng boto sa mga taong di naman ibenebenta ito. At kapag nagkataon para na rin silang tinutukan ng baril at kinuha ang karapatan nilang pumili ng taong gusto nila.
Nakakatuwang isipin na marami - rami na rin naman ngayon ang mga organisasyon na handang tumulong para maproteksiyunan ang bawat boto ng mamamayan. Lagi kong naririnig sa anak kong limang taon ang mga katagang “Ako ang Simula”. Parati niya kasi itong binabasa tuwing kinokomersial sa TV. Tanging panalangin ko ay lumakas ang loob ng mga kabataan at ng iba pang mamamayan para bantayan ang kanilang boto at wag magpadala sa mga politikong namimili ng boto.
Sana rin bukod sa pagbabantay ng boto at matututo tayong ipanalangin sa Diyos na liwanagan ang isip natin kung sino talaga ang karapat dapat na iboto natin. Kahit ang Bibliya (Roma 13) naman ay nagtututuro na kailangan nating igalang ang mga may kapangyarihan dito sa lupa.
Nanood ako ng balita nung mga nakaraang araw, napanood ko na si Estrada pala ay tatakbo ulit bilang president. Kailangan niya raw kasing linisin ang pangalan niya.
Kailangan niya pa bang maging president ulit para linisin ang pangalan niya? Paano naman ang pangalan ng bansa?
Natatandaan mo pa ba yung kontorbersiya sa pagitan ng Pilipinas at sa palabas na “Desperate Housewives” kung saan isang actress ang kumuwestiyon sa mga nurses na gradweyt ng Pilipinas? Eh, yung sinabi ni alec Baldwin tungkol sa mga Mail Order Brides?
Maraming mga bansa ngayon na di na maganda ang tingin sa mga Filipino. Ito na ang sana ang simula para maipagmalaki natin ang bansa natin. Bangon Pinoy, kaya natin ‘to.
Sana'y magdilang anghel ka sis sana ito na ang simula.
ReplyDeleteNaka register ako sa Marikina pero magpapalipat ako dito sa Manila kasi dito na kami since 2003. Nung lsat election, pumunta pa ako ng Marikina para mag vote.
Magpapa transfer ako ng precinct at magpapa change ng last name. Pinag iisipan ko nga if ganun gagawin ko or mag pa register na lang ako as new voter.
I never liked politics. That's why I've never voted until now. I'm thinking of registering this year kasi naniniwala parin naman ako na "every vote counts". But I haven't made up my mind yet. Naguguluhan ako. Hehe.
ReplyDelete