Natapos na naman ang Mayo Uno. Mayo Uno kung saan pinagdiriwang natin ang “Araw ng mga Manggagawa.”
Umalis ang isa sa mga kapatid ko para sumugod sa SM Mall of Asia. May jobfair daw kasi. Maaga pa lang umalis na siya sa min dahil alam din niyang mahabang pila ang aabutan nya dun.
Ayon sa balita marami rami din naman ang pinalad na magkaron ng trabaho dito sa Pinas at sa ibang ibayo ng mundo. Pero marami pa din ang umuwing luhaan at ang iba walang katiyakan kung matatanggap, matatawagan o mauuwi rin sa kawalan.
Napanood ko pa sa balita, siempre, may mga nagkarally pa rin. Tinawag nilang “Job Fairy Tale” at di naman daw totoong Job fair ito. Palabas lang daw ito ng pamahaalaan. Kung totoo daw na seryoso ang pamahalaan sa pagtulong sa mga mamamayan, dapat daw lahat ng tao may trabaho.
Hindi ko maintindihan ang paniniwalang iyon. Alam ko na may responsibilidad talaga ang pamahalaan na pangalagaan ang mamamayan at siguraduhin na may sapat na trabaho ang bawat tao. Pero mas malaki ang responsibiladad natin sa mga sarili natin. Di natin dapat isisi lang sa pamahalaan kung wala tayong trabaho.
Tuwing Linggo pag tumingin ka sa dyaryo, sa classified ads, ang daming trabaho. Ilang kompanya meron sa Pilipinas. Sa Makati pa lang, napakadaming kompanya ang araw araw may “hiring”. Ang problema, konti lang nakakapasa. Masisi mo ba ang gobyerno kung di na nakapasa sa mga “exams”, sa “interviews”?
Isa sa mga napakadaming solusyon ang nakikita ko. Why not equip ones self. Study harder. If it means you will have to take short courses to be equipped, then do so. If it means you have to stay longer in the library or online to learn more, then do so.
You have to make yourself competitive enough. Ang trabaho hinahanap talaga at di lang basta dumarating na lang.
No comments:
Post a Comment