Tangahali na nang magising ako. Nagpuyat kasi kagabi. Ganito kami dito, kapag kinabukasan mga wala kaming pasok, sinasamantala ang gabi. Kwentuhan, kalokohan, kulitan.
Inaantay kong tumunog ang "alarm" ng telepono ko. Nakita ko kasi sa relo sa pader na 5:40 pa lang ng umaga kaya natulog ulit ako. Pag gising ko, tumingin ako sa relo. 5:40 pa rin ng umaga! Sira pala ang baterya. Ang telepono ko naman wala na ring baterya kaya di na gumana ang alarm.
Pag tingin ko sa isa pang relo, 11:43 ng umaga na pala. Dali dali akong tumawag sa asawa ko. Malapit na palang umalis ang anak ko bahay. 5:45 ng hapon ang flight nila.
Video call naman, ang unang tanong sakin ng anak ko, "Bakit ka malungkot, Mommy?" Di ko alam na nakita nya pala ang nararamdaman ko. Sabi ko, "Wala lang." Pero medyo nagmana sa kin ang anak ko. Di siya pumayag na iyon lang ang sagot ko. Tinanong ulit nya, "Bakit ka nga malungkot,Mommy?". Di ko na napigilan. "Na mimiss ko na kasi kayo." Iyon na lang ang sinabi ko.
Ngayon na ang araw na aalis ang anak kong lalaki papunta sa Aklan. Nalulungkot ako kasi sa loob ng halos 3 linggo, di nya makakasama ang Daddy at Baby Andie Girl nya...
Tumawag ulit ako nung nasa Airport na sila. Kinausap ko ang anak ko. Tinanong ko sya kung ready na siya pumunta sa Aklan. Ang sabi nya, " Ready na ko Mommy, pero malungkot din ako." Tinanong ko siya kung bakit sya malungkot. Sabi niya, "Wala lang malungkot lang ako." Di rin ako pumayag na yun lang ang sagot nya. "Bakit ka nga malungkot?", ang tanong ko. " Kasi ma mi-miss ko rin sila Daddy.", at bigla na nyang pinasa ang telepono sa Daddy nya.
Di bale na, mahirap talaga pag humaharap tayo sa mga pagbabago. Pero naniniwala ako na ang desisyon namin na doon na lang muna sila sa Aklan ay mabuti. Alam ko para din sa ikabubuti nila yun.
Nawa ay patnubayan ng Diyos ang pamilya ko, kahit saan man sila pumaroon.
talaga sis? muntik na akong maiyak sa sagot ni Sean...bakit sya pupunta sa Aklan? asan ba hubby mo? :(
ReplyDeletenag decide kasi kami na dun na lang muna sila sa aklan. nauna lang umalis si seandy, pero susunod din si hubby at ang baby girl. mas maganda kasi dun mas maalagaan sila at mas matahimik ang buhay tsaka mas malapit sila sa church. :)
ReplyDeleteI believe God will be with them always. Hey, Melody, I chose you as one of the recipients of Blog with Substance Award. Please grab it when you have the time. God bless you and your family always.
ReplyDelete@ carmen
ReplyDeletesobrang salamat po..it is really an honor na mapabilang sa Blog with Substance. I really appreciate that. Thanks a lot and God bless.