Monday, May 10, 2010

Now what?

Tapos na ang halalan. Aantayin na lang natin ngayon ang final at official na results ng election. Then what? Ang mga Filipino ba na walang trabaho sa kasalukuyan ay magsisimula ng tumayo at lumakad para maghanap ng trabaho o gaya pa rin ng dati na uupo at mag aantay ng magandang oportunista o trabaho na lalapit sa kanila.

Ang alam ko ang sinisigaw natin, "Itama ang boto, iboto ang tama". "Ako ang simula". "Kailangan natin ng Pagbabago!" Nakahanda na ba talaga ang Pilipinas sa pagbabago? Handa na ba talaga tayo na harapin ang mundo at muling itayo ang bandila ng Pilipinas?

Ang pagbabago ay nasa bawat isa. Kahit sino pa ang dumaang presidente sa Pilipinas kung ang mga tao mismo ay ayaw magbago wala ring mangyayari. Aanhin mo ang magandang batas kung wala namang may balak na sumunod?

Nakakatuwang isipin na marami-rami din ang napabago ng eleksyon na ito. Lalong lalo na ang kabataan. Mas marami akong nakita, nabasa at narinig na mga taong nagpapakita kung gaano nila kamahal ang bansa.

Natutuwa rin akong isipin na bago maganap ang botohan, ipinagdiwang muna natin ang "Mother's Day." Naniniwala ako na kung ang bawat magulang ay magtuturo ng maayos at magiging magandang ehemplo sa kanilang mga anak mas magiging maganda ang Pilipinas sa mga susunod na henerasyon.

Very significant ang nakikita kong pagbabago sa mga kabataan ngayon. Pinapakita nila ang suporta at pagmamahal nila sa ating bayan. Huwag lang sana nating kalimutan na ipagdasal ang ating mga pinuno - kahit na ang nanalo ay hindi ang gusto mo.

God bless the Philippines. :)

2 comments:

  1. "Huwag lang sana nating kalimutan na ipagdasal ang ating mga pinuno - kahit na ang nanalo ay hindi ang gusto mo. " I like that. And to add more, dapat nating suportahan, hindi yung porke wala pang nagawa or napatunayan yun na lang lagi ang ipamumukha. Nanalo na si Noynoy eh. Sya ang pinili ng mas nakararami. It's time for us to unite and set aside political bickering. May magagawa tayo, haha, parang channel 7 yun ah :)

    ReplyDelete
  2. sabi nga ni John F. Kennedy, "Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country." :)

    ReplyDelete