Eleksyon na naman. I have tried to watch the campaign ads of the presidential aspirants of our country. I only have just watched a few and I stopped - naiyak na ako.
Naiiyak lang ako pag naiisip ko ang bansa natin. Nakakalungkot na isipin na napag iwanan na tayo ng mga karatig bansa natin.
Pero naniniwala ako na magagaling ang mga Pinoy. Kailangan lang ng bawat isa na gumising na at kumilos.
We are like sheep without Shepherd. Kaya tayo kalat kalat eh. Kahit saang parte ng mundo may Filipino.
Dito nga kung saan ako naroroon ngayon eh in demand ang mga Pinoy na "Maid". Pero ang nakakatawa kailangan nila ang Filipino maids kasi alam nila magaling at pinoy at kayang turuan ang mga anak nila sa kanilang pag-aaral.
Kailangan nating bumoto ng maayos at huwag tayong papadala sa mga sabi sabi lang. Kailangan nating alamin at suriin ng husto kung sino ang pipiliin.
Pero naniniwala ako na wala sa politics ang sagot sa kaunlaran ng bansa. Nasa bawat isa.
Sana isipin nating lahat ang mga bagay na ginagawa natin kung may maganda ba itong maidudulot sa bansa natin.
Naawa naman ang Pilipinas. Sana magtulong tulong tayo para umahon ang ating bansa. Please pray for our country.
Ay hindi ka nga pla makakapag vote dito. Sino sana President mo? :)
ReplyDeletecheck pa dito kung pwede kami absentee voters..sana nga makaboto pa rin..
ReplyDelete