Friday, April 10, 2009

A game Show

Eat Bulaga ang palabas sa bus nung papasok ako sa work. Nakakatawa at nakakatuwa ang palabas. Merong isa tinanong. “Anong “C” ang tawag sa gumagawa ng mga steps ng isang sayaw?” Sigaw niya, “Choreography”. Paulit ulit. “Choreography”, “Choreography”. Mali. Ang tamang sagot, “Choreographer”.

Panibagong tanong, ”Anong salita ang nagsisimula sa letter “C” ang kukumpleto sa katagang ito, “To Whom it may _______.”

Nakakatawa pero nakakainit din ng ulo. Di niya alam ang sagot? Naisip ko, napapanood pa naman ito sa buong mundo. Baka isipin nila ganito mag-isip ang mga Filipino.

Naiintindihan ko naman kung mali ang sagot. Nakakanerbiyos din kasi ang humarap sa mga tao. At, sa harap pa ng kamera. May mga tanong rin naman kasi na di masyadong common. Gaya ng, “Anong “C” ang tawag sa capital ng Egypt?” Ang sagot, “Cairo”. At isa pa, “Anong pangalan ng kapatid ni Jose Rizal na nagsisimula sa “P”. Ang sagot nila, “Protacio”. Ang sagot, “Paciano”.

Huling tanong bago ako bumaba ng bus. “Anong “P” ang may masarap na amoy, na piniprito at madalas nilalagay sa Halo-Halo?” Sigaw ng contestant, “Puto!”

LOL…ano nga ba ang sagot?

2 comments:

  1. Ano nga bang sagot dito, teka biglang nakalimutan ko, gusto ko ito hehe.... Pinipig ba? as in pounded dried rice?

    ReplyDelete
  2. opo, tama ka pinipig nga...hehehe..

    ReplyDelete