Wednesday, December 17, 2008

Family Day

My mother in law visited us again. And we then decided to go to Star City.

We had the ride all you can tickets, pero di rin masyado nakapag rides si Seandy kasi mahaba ang mga pila.

He liked the bump car so much. Ayoko nga sana kasi I’m afraid. Feeling ko eh masasaktan siya pag binangga siya ng ibang kids.

I never really liked that. The last time I tried that I remember I was closing my eyes with my hands. How can I drive kung nakapikit ako. Di ko talaga maenjoy yun.

Ayoko nga sanang payagan si Seandy, pero sabi ni Daddy, okay lang daw yun, lagi niya akong sinasabihan ng super paranoid ko daw. Para daw lagi akong nasa “Final Destination” na everytime eh may masamang mangyayari.

Ganun talaga ang mga mommies di ba? Laging my na fo-foresee na possibleng may mangyari. Sabi ko nga it’s better to be safe than sorry.

We went inside din sa Snow World. It was cool! As in! Super cold sa loob. It’s at 15 degrees Celsius.

Kaya lang I was disappointed kasi the jackets were not that thick and it stinks!

You can have globes pero you have to buy it. You can’t take pictures din inside you have to ask their photographer to take your picture for 100 pesos or 150 pesos if you like it CD.

We went inside pero I think di man lang kami umabot ng 5 minutes. Sobrang lamig kasi. Di ko talaga kinaya. Sean and Seandy tried yung slide. Ako din ng slide pero accidentally. Kakatakbo ko, ayun I fell. Pero sa sobrang lamig (at kahihiyan na rin siguro) di ko naramdaman yung sakit. Nung pauwi na kami dun ko lang naramdaman ang sakit ng balakang at ng butt ko.

Nanay went to Dino Island with Uncle Ricky and Ganda, pero kami di na, Seandy was so afraid kasi. He loves dinosaurs naman.

I asked him kung bakit ayaw niya pumasok eh love naman niya ang dinosaurs, sabi ni “ Mommy, I like sa DVD lang.”

We went na lang sa Dino souvenir shop to look for the Dino toys. The Sales ladies inside naman were so fond of Seandy. They were asking him kasi kung ano ang mga names nung Dinosaurs.

Amazed naman sa kanya ang mga girls dahil sila nga daw eh di nila kilala ang mga paninda nila. Well, Seandy recognized the Triceratops, Stegosaurus, Pteranodon, T-rex, pero yung iba di na niya kilala. Yung iba name na lang ng characters ng Land before Time ang sinasabi niya.

We all had fun. Sobrang late na ng umuwi kami pagod na pagod kaming lahat. Pero it was worth it, sumasakit nga lang talaga ang katawan ko.

2 comments:

  1. It sounds like you had a wonderful time. I love family fun like that. I'm a mother in law. I hope you have a fun and loving mother in law. Have a great Christmas, Doylene

    ReplyDelete
  2. Gusto rin nmin pumunta ng Star City pero ang dami na nga ring tao, ang ahaba ng pila.

    Galing naman ni Seandy, ang daming alam sa dinosaur, si Sean dinosaur lang ang alam hehe, no particular or specific name. Kahit ako di ko rin alam yun eh haha! Ang hirap kaya i-pronounce. Dinosaur na lang, madali-dali. :D

    ReplyDelete